Pagbitay sa 3 OFWs sa China ipinagpaliban lang –DFA usec

IPINAGPALIBAN lamang ang pagbitay sa tatlong Pinoy na nahatulan sa kasong drug trafficking sa China, paglilinaw ni Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos.

Nabatid pa kay Conejos na ipinaliwanag ng gobyerno ng nasabing bansa  na pinal na ang kanilang hatol na bitayin sina Ramon Credo,Sally Ordinario-Villanueva at Elizabeth Batain.

Magkagayunman, umaasa pa rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) na magbabago pa ang pasya ng China sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-diplomasya ng Pilipinas sa naturang bansa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply