Pagdagdag sa imprastraktura ipanlalaban sa climate change

KAILANGAN pang dagdagan ang mga imprastraktura at iba pang public investment sa sektor ng agrikultura upang maging handa sa climate change.

Sinabi ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang nagsabing kulang pa ang kasalukuyang imprastraktura upang tugunan ang problemang idudulot ng  pagbabago ng klima.

Matatandaang nagkaroon ng Agriculture and Fisheries Summit 2025 noong Pebrero 11, 2011, sa Antipolo City.

Sa nasabing pulong, sinabi ni Agriculture Secretary Proceso Alcala sa Congressional Oversight Committee on Agriculutre and Fisheries Modernization (COCAFM) na handa ang Palasyo na suportahan ang agrikultura at pangisdaan sa kahit anong paraan.

Pinamumunuan nina Sen. Francis Pangilinan at Rep. Mark Llandro Mendoza ang COCAFM upang mailatag ang tatahaking direksyon ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa mga darating na taon hanggang 2025.

Ang pulong na dinaluhan ng 170 lider ng mga samahan ng magsasaka, mangingisda, entrepreneur,  dalubhasa sa akademiya, pinuno ng Kagawaran ng Pagsasaka at miyembro ng COCAFM mula sa House of Representatives ay tumalakay sa pagbibigay ng prayoridad sa pagkukumpuni ng lumang irrigation facilities, kasama na ang pagdadagdag ng irrigated areas.

Tuloy rin umano ang pagbibigay ng dryers at paglalagay ng grains terminals, kasama ang pribadong sektor at local government units (LGUs).

Plano ring maglagay ng trading posts upang mapadali ang paghahatid ng mga produkto at mabawasan ang middlemen.

Sa talumpati naman ni Pangulong Aquino, sinabi niyang ang paglalagay ng kailangang infrastructure  ang paraan para masigurong mapakikinabangan ang pondo ng DA hindi lang sa isang cropping season, kundi sa long-term.

Sinabi ng Pangulo na unahin ang paggawa ng hakbang para maihanda ang agrikultura sa inaasahang paglala ng epekto ng climate change na nararanasan na sa kasalukuyan.

Ang climate change ay ang pagbabago sa weather patterns ng mundo bunsod ng global warming at pagkasira ng atmosphere dahil sa polusyon at pagsira sa kalikasan. Nakita na natin ang epekto nito sa matinding baha na at tagtuyot na nararanasan ng bansa simula noong 2009.

Bukod dito, suportado umano ng pamahalaan ang pagsusulong ng DA sa organic agriculture, kaya nagsasagawa na ang DA ng training sa hanay ng extension workers ukol sa organic farming. Nenet Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply