Pagdakip kay Dominguez, ‘ligal’, ayon sa CIDG lawyers

MULING pinanindigan ng mga abogado ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) sa korte ng Quezon City na ligal ang ginawang pag-aresto sa umano’y carjack gang leader na si Roger Dominguez at kasamahang si Jason Miranda taliwas sa sinasabi ng mga suspek.

Magugunitang sina Dominguez at Miranda ay naaresto ng mga pulis noong Pebrero 10, 2011 sa Quezon City.

Sila ay nahaharap sa kasong pagdukot at pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista.

Sa pagpapatuloy ng  preliminary investigation laban kina Dominguez at Miranda, nagsampa na nitong Lunes, Pebrero 21, si Mary Grace Evangelista, asawa ni  Venson, ng counter-affidavit laban sa mga suspek.

Binigyang-diin ni CIDG lawyer Virgilio Pablico na iligal ang ginawang pag-aresto ng mga pulis sa mga suspek.

Ang dalawang suspek anya ay may  warrant of arrest sa kasong  carnapping na naipalabas noong Hulyo 16, 2010 ni Judge Ofelia Tuazon Quinto ng Branch 60 ng Regional Trial Court ng Angeles City, Pampanga.

Ang kapatid ni Roger na si Raymond Dominguez ay nasampahan na ng katulad na kaso at ngayon ay dinidinig na sa QC RTC Branch 215.

Kasamang akusado ay sina Alfred Mendiola at Ferdinand Parulan.  Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply