Pagdakip sa Cainta massacre suspect pinaigting ng PNP

MAGSASANIB ng puwersa ang kapulisan sa dalawang probinsya ng Rizal at Samar upang agad maaresto ang pangunahing suspek sa masaker na naganap sa Cainta, Rizal noong nakaraang Lunes ng madaling araw.

Nabatid kay Supt. Emmanuel Bautista, chief of police ng Cainta, bineberipika nila ang balitang may dati nang rekord si Fortunato “Jun-jun” Asebar sa Lao-ang, Northern Samar, kung saan ay pinatay umano nito ang sariling asawa matapos ay nagtago sa Rizal.

Noong Lunes, apat na magkakapamilya ang hinihinalang pinaslang ni Asebar, kabilang ang tiyuhin na si Amado Asebar, 42, tiyahing si Elizabeth Asebar, 46, at mga pinsan nitong sina Amado, Jr., 14, at Prechie, 10.

Nagpakalat na rin ng mga pulis sa dalawang istasyon ng bus sa Pasay City at Cubao, Quezon City, kung saan maaaring sumakay ang suspek patungong Samar.

Naglaan ang kapulisan ng Cainta ng P100,000 pabuya para sa ikadarakip ng suspek na pumatay sa apat katao sa isang pamilya sa naturang lugar. Marjorie Dacoro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply