Isyu ng hidwaang PNoy at Reyes matatapos na

UMAASA ang Malakanyang na matutuldukan na ang anumang alingasngas kaugnay sa ‘di umano’y personal na hidwaan nina Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III at dating AFP chief of staff Angelo Reyes matapos ang pagpunta ng una sa burol ng huli at personal na pakikiramay sa sa pamilya nito sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na matitigil na ngayon ang kaliwa’t kanang bira ng mga kritiko ng Punong Ehekutibo sa naunang urong-sulong na pagbisita nito sa labi ng nagpatiwakal na heneral.

“During his visit, Aquino wanted to relay his sympathies to Reyes’ family. So, there is no more reason to believe some people’s speculations that there is a personal grudge between the two,” ayon kay Usec. Valte.

Noong nakaraang Martes ay nagpakamatay si Reyes sa harap mismo ng puntod ng kanyang ina sa Marikina City at agad na dinala sa Quezon City hospital subalit idineklara Dead On Arrival (DOA) ng mga doktor doon.

Ang pagpapatiwakal ng dating heneral ay bunsod ng rebelasyon ng iregularidad sa Armed Forces of the Philippines kabilang na ang “pabaon” (sendoff gifts) at “pasalubong” (welcome gifts) para sa mga opisyal nito.

Sa Senate hearing, isinambulat ni retired Lt. Col. George Rabusa na tumanggap si Reyes ng P50 million na pabaon nang magretiro ito mula sa military.

Sa kabilang dako, sinabi ni Usec. Valte na walang dahilan para hindi pumunta ang Chief Executive sa  burol ni Reyes.

“The president never said anything bad about him (Reyes),” pahayag nito.

Sinabi pa rin niya na nang magsalita ang pamilya Reyes na pinagbabawalan ang mga kritiko ng namatay na heneral na pumunta sa burol ay hindi naman kasama ang pangalan ni Pangulong Aquino sa listahan ng mga ito. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply