Pagdalaw sa burol ni Reyes pinag-iisipan pa ni PNoy

PINAG-IISIPAN pa ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kung personal siyang makikidalamhati sa pamilya ng nagpatiwakal na si dating AFP chief Angelo Reyes.

Sa isang panayam matapos ang isinagawang MOA signing sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Heroes Hall, Malakanyang, Huwebes, Pebrero 10 ay sinabi nito na kokonsultahin muna niya ang pamilya ni Reyes para malaman kung okey lang na pumunta siya sa burol ng dating heneral.

Ang katwiran ng Chief Executive ay mayroon silang hindi pagkakaunawaan noon ni Reyes noong ito ay kalihim pa lamang ng  Department of Energy at ayaw niyang maging panibagong pasakit sa pamilya Reyes. Kris Jose

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply