Pagdami ng iskwater kokontrolin ng DILG

UPANG masolusyunan ang suliranin ukol  sa lumalalang sitwasyon  sa pagdami ng mga iskwater, naglabas ng alituntunin ang Department of the  Interior and Local Government (DILG) para makontrol at masawata ang pagkalat nito sa bansa parikular sa mga kalunsuran.

Ang nasabing alituntunin ay nakapaloob sa ipinadalang memorandum circular  ni  DILG Secretary Jesse Robredo  sa lahat ng  provincial governors, city at municipal mayors at punong  barangays.

Sa kanyang direktiba, inatasan ni Robredo ang mga punong barangay sa buong bansa,  sangguniang barangays na gamitin ang nasabing guidelines  para  epektibong magamit at hindi makaporma pa ang sino mang iskwater sa kanilang  mga komunidad.

Inabisuhan din ni Robredo ang mga  punong barangay na gumawa ng mga hakbangin para sa malawak na kapakinabangan ng kanilang mga iskwater  sa mga lugar na mailalaan sa kanila.

Nanawagan din ang kalihim sa lahat ng mga alkalde sa bawat lungsod  at munisipalidad na  tutukan ang  ginagawang aksiyon ng  mga punong barangay  na may kaugnayan  sa pagkontrol at pagsawata sa pagkalat ng informal settlers.

Anang kalihim, sagutin  aniya ng bawat alkalde sa lungsod at munisipalidad  na mamagitan sa sino mang halal na lokal na opisyal na makikialam sa ginagawang pagsisikap ng mga punong barangay na maitaboy ang mga iskwater.

Kasabay nito inabisuhan ni Robredo  ang lahat ng DILG regional directors at field officials na siguruhing sumusunod sa inilabas na kautusan  at direktiba ang mga local na pamahalaan  at ipinagsusumite niya ng monthly report  ang mga ito ng mga naging pag-aksiyon ng mga local na opisyal ukol sa problema  ng iskwater sa kanilang mga nasasakupan. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply