Pagdawit kay GMA sa fund mess ayaw patulan ng AFP

NGAYON na patuloy na nagluluksa ang pamilya ng nagpakamatay na dating Armed Forces chief of staff at Defense Secretary Angelo Reyes, tumanggi nang patulan ng AFP ang pagkakadawit ng pangalan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa isyu ng suicide at maging sa isinasagawang imbestigasyon ng dalawang kapulungan hinggil sa graft and corruption.

Sa ginawanag pulong balitaan kahapon sa tanggapan ng Defense Press Corps of the Philippine na dinaluhan nina DND Spokesman Eduardo Batac at  AFP spokesman B/Gen. Jose Mabanta, tumanggi ang huli na magbigay ng reaksyon hinggil sa pagkakadawit ni GMA sa fund mess na iniugnay sa pagtawag umano nito kay General Reyes bago ito nagpakamatay.

Ayon kay Mabanta, hindi sila makapagbibigay ng anomang komento hinggil dito at kanila na lang ipauubaya hanggang sa matapos ang isinasagawang imbestigasyon.

Subalit naniniwala ang malalapit na tauhan at kaibigan ni Reyes na may mas malalim pang mga dahilan sa pagpapakamatay ng heneral.

“Cosmetic na lang yan, ako talaga ang target diyan,” bulalas umano ni Gen. Reyes kay Army 10th Infantry Battalion Col. Edgardo De Leon sa kanilang huling pag-uusap bago nagpasyang magpakamatay ang heneral kamakalawa sa harap ng puntod ng kanyang ina sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Sinabi pa ni De Leon na pakiramdam umano ni Reyes ay wala na siyang pag-asang makakuha ng patas na laban sa isinasagawang pagdinig dahil pinagtutulungan siya ng iba’t ibang panig.

Posible rin umano na lumikha ng pagkawatak-watak sa pagitan ng AFP officers at rank and file ang naganap na trial by publicity sa Senado.

Ayon kay De Leon, dahil sa mga nabanggit na scenario, ilang ulit na nasabi umano ni Reyes na kung kinakailangan ay ihahandog nito ang kanyang buhay para lang mailigtas ang institusyon.

“I never thought that he was that serious,” dagdag pa ng opisyal.

Samantala, sinabi ng dating Navy Officer na miyembro ng binuong Feliciano Commission na maaaring gina-wang scapegoat si Reyes ng isang makapangyarihan para itago ang tunay na protector ni dating AFP comptroller Gen. Carlos Garcia.

Ayon kay retired Commodore Rex Robles, isinangkot si Reyes sa usapin ng Garcia plea bargain deal para ma-divert ang focus ng isinasagawang Senate investigation sa talamak na korapsyon sa military sa halip na kilalanin ang mga taong nakinabang kay Garcia ng ito pa ang nakaupong military comptroller.

Sinasabing tinulungan ni Garcia ang ilang congressmen, senators at crooked businessmen para maipuslit ang kanilang pera sa ibayong dagat.

Sa pagkamatay ni Reyes, hinamon pa ni Robles sina Senador  Antonio Trillanes IV at  Parañaque Rep. Roilo Golez na kilalanin ang misteryosong benefactor ni Garcia.

Samantala itinanggi ng kampo ni GMA na nakipag-usap o tinawagan ng dating pangulo si Reyes bago ito nag-pakamatay.-Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply