Pagdinig sa Kamara sa plea bargain tuloy

KAUNTING naantala ang pagsisimula ng pagdinig ng House Justice Committee dahil sa mosyon na huwag ng ituloy ang pagdinig matapos ang nakalulungkot na balita ukol sa pagpanaw ni dating AFP Chief of Staff Angelo Reyes, isa sa mga nasasangkot sa AFP fund scam.

Sa halip na 9:30 ay nasimulan ang pagdinig bago mag-alas 10:00 sa pamamagitan ng ilang minutong katahimikan na inialay kay Reyes at saka inihain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang kaniyang mosyon na ipagpaliban ang pagdinig ng isang lingo.

Unang tinalakay ng komite ang pagpapasa sa isang resolusyon ng pakikiramay sa pamilya ni Reyes matapos ang mosyon ni House Deputy Speaker Crispin Remulla.

Binigyang diin ni Remulla na “kahit foe or friend” ay nararapat lamang na tratuhin nila ang isang imbitadong resource person ng maayos lalo pa sa gitna ng pagdadalamhati ng kaniyang pamilya.

“Unanimously approved” naman ng may 22 presenteng mambabatas sa pagdinig ng komite ang mosyon ni Remulla.

Matapos ang botohan, lima lamang ang pumabor na ipagpaliban samantalang 16 ang tutol dahil maaari naming dinggin ang ukol sa plea bargaining agreement ng hindi binabanggit ang pangalan ng yumaong kalihim.

Ayon sa committee secretariat, ganap na alas 6:00 kagabi ng kanilang matanggap ang isang sulat mula kay Sec. Reyes na nagsasabing hindi siya makadadalo sa pagdinig dahil wala naman aniya siyang maiaambag dahil wala siyang kinalaman at partisipasyon sa plea bargaining agreement na pinasok ng Ombudsman kay dating AFP Comptroller ret. Maj. Gen. Carlos Garcia.

Nasa pagdinig din si dating Surigao Rep. Prospero Pichay na naging chairman ng House Committee on National Defense and Security na ayon kay Lt. Gen. George Rabusa ay tumanggap ng may P500,000 sa tuwing dadalaw ito sa opisina ni dating AFP Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply