Pagdinig sa kaso vs Globe Asiatique arangkada na

SINIMULAN na ng Department of Justice (DOJ) ang pagdinig sa isa sa tatlong kasong syndicated estafa laban sa may-ari at developer ng Globe Asiatiuqe (GA) na si Delfin Lee.

Pinanguhanan ni Senior Assistant State Prosecutor Ma. Emilia Luena Victorio ang five-man panel na didinig sa nasabing kaso.

Nakakuha umano ng P6.6 bilyon na housing loan para sa mga kliyente si Lee, pangulo at CEO ng GA at ang 16 na iba pang respondents sa housing projects sa Xevera Homes sa Mabalacat, Pampanga.

Sa pagdinig, paulit-ulit na pinabualaanan ni Lee ang nasabing akusasyon at iginiit na walang iregularidad sa nasabing proyekto ng  Globe Asiatique and Holding Corp.

Magugunitang inakusahan noong Oktubre si Lee kasama ang 16 na iba pa ng Pag-IBIG, Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at National Bureau of Investigation (NBI)  na umano’y gumagamit sa pondo ng Pag-IBIG para sa bogus na housing loans at kwestiyunableng development projects.

Sa imbestigasyon ng NBI, sa 9,951 umano’y Pag-IBIG borrowers sa Globe Asiatique deals, 1,000 dito ay hindi mahanap, 400 ay ibinasura ang aplikasyon para sa housing loans at 200 ay mayroong hindi kumpletong dokumento  para sa transaksyon.

Nahaharap sa dalawang reklamo ng syndicated estafa si Lee at ilang empleyado ng GA dahil sa umano’y double sale ng Xevera Homes.Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply