Pagdinig sa Manila hostage taking sinimulan na sa HK

SISIMULAN na ngayon ng  gobyernong Hong Kong ang sarili nitong imbestigasyon  sa  Manila hostage-taking incident na ikinasawi  ng walo nilang kababayang turista noong Agosto ng nakaraang taon.
Gagawin ang  pagdinig sa 5th floor lobby ng korte sa Tai On Street, Sai Wan Ho, Hong Kong.

Unang  isasalang sa  25-day inquest proceedings ng Hong Kong’s Coroner’s Court ang mga survivor  at pamilya ng mga biktima.
May 80  upuan ang court administrator para sa mga gustong manood ng pagdinig.
Ang  Coroner’s Court ay isa sa mga court of law sa Hong Kong na isa  sa mga function ay busisiin  ang posibleng sanhi at mga sirkumstansiya sa pagkamatay ng isang indibidwal.

Habang ang Coroner ay ang judicial officer na may kapangyarihan na maglabas ng mga resulta ng awtopsiya, order police investigations of death, at iba pa.
Nauna nang kinumpirma ng  Department of Justice na hindi  haharap sa ipinatawag na imbestigasyon ang  70 sa 116 mga Pinoy na naimbitahan para magbigay ng kanilang panig sa malagim na  hostage crisis.

Kasama sa mga tumangging humarap sa korte ng Hong Kong  sina Manila Vice Mayor Isko Moreno, dating National Capital Region Police Office Director Leocadio Santiago Jr.; dating Manila Police District head Chief Supt. Rodolfo Magtibay; Superintendent Orlando Yebra; ang bus driver na si Alberto Lubang at radio reporter na si Michael Rogas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply