Pagdinig vs Globe Asiatique ipinasususpinde sa DOJ

HINILING ng kampo ng kontrobersyal na may-ari ng Globe Asiatique na si Delfin Lee isuspinde ang ginagawang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng mga isinampang syndicated estafa laban sa kanya at sa pitong iba pa na sangkot sa sinasabing housing scam.

Ayon kay State Prosecutor Edmundo Magpantay, isa sa mga miyembro ng lupon na humahawak sa kaso ng Globe Asiatique, pinasususpinde ng kampo ni Lee ang pagdinig sa DOJ bunsod ng inihaing civil case ng Pag-IBIG Fund laban sa kanila sa isang Korte sa Makati.

Dahil doon, hindi raw muna naghain ng counter affidavit ang kampo ni Lee sa isinagawang preliminary investigation, Miyerkules ng umaga.

Binigyan naman ng panel of prosecutors ang panig ng mga complainant ng hanggang ika-labing anim ng Pebrero para magsumite ng komento o opposition sa nasabing petisyon.

Sa ika-21 at ika-22 ng Pebrero, nakatakdang magdaos ang DOJ ng clarificatory hearing kaugnay ng nasabing kaso. Teresa Tavares

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply