Pagkamatay ni Reyes hindi dapat humadlang sa reporma

NAKIRAMAY ang ilang miyembro ng House of Representatives sa pamilya ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Angelo Reyes, bagama’t dapat umanong ituloy ang paghahanap ng solusyon sa umano’y malawakang korapsyon sa militar.

“Nakakalungkot na umabot sa ganito ang kalagayan ni Angie Reyes. Ako ay nakikiramay at respetuhin natin ang kanyang pagkamatay,” wika ni San Juan Rep. JV Ejercito.

Ngunit agad nitong idinagdag na: “Pero hindi ito dapat maging hadlang sa imbestigasyon na isinasagawa ngayon.”

Nakiramay din si Cagayan Rep. Jack Enrile, na nagsabing: “Whatever fate befell him late in his life, let us not forget he served his country as a soldier and as a public official.”

“This tragic event, though, must not diminish the nation’s will to seek out and eradicate those who are active participants in corrupt acts,” sabi ni Enrile.

Aniya pa: “It is my hope that the death of Secretary Reyes will prove how burdensome these corrupt acts are and how heavy they weigh on one’s conscience.”

“Nakakalungkot at nakikiramay kami sa kanyang pamilya,” sabi naman ni Aurora Rep. Sonny Angara. “Sana matuloy ang reporma sa loob ng militar ukol sa mga sistemang pang-budget.” Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply