Pagkamatay ni Reyes walang epek kay Ligot

WALANG chilling effect o  hindi maninindig  ang balahibo si Mgen Jacinto Ligot sa pagkamatay ni  dating AFP chief of staff Gen Angelo Reyes na kasama niyang naimbestigahan  hinggil sa multi million fund mess sa loob ng military.

Nang tanungin  kung ang kamatayan ba ni Reyes ay magdadala ng chilling effect sa kanya at iba pang  resource persons na iimbitahan ng Kamara Senado, sinabi ni Ligot na…” hindi naman, hindi naman sa ganun, dahil we were there to be give our views sa mga topic na tinatanong ng ating Senado at saka Congress.”

Sinabi pa ni Ligot na   masyado lang tinamaan si Reyes sa sinasagawang imbestigasyon subalit hindi naman nito umano batid ang tunay na dahilan bakit ito nagpakamatay sa kasagsagan ng imbestigasyon.

Pahayag pa ni Ligot   I think he made a supreme sacrifice of offering his life siguro para masolve lang itong mga problemang ito, kasi kung wala ito siguro baka hindi na pag usapan.

Subalit naniniwala ang heneral na dahil sa pagkamatay ni Reyes ay tiyak na magpapatuloy pa ang imbestigasyon at magtatagal pa umano ito.

Aminado naman si Ligot  na nararamdaman din niya ang matinding pressure na inabot ni Reyes  sa mga pagdinig.

Inamin nitong hindi pantay ang pagtrato sa kanya  na ang pagtatanong ng mga mambabatas ay parang nasa korte.

Si Ligot ay dating AFP Comptroller na pinalitan ni Mgen. Carlos Garcia na kapareho niya ay may kinakaharap na kasong pandarambong sa Ombudsman at inaakusahang may walong bahay sa US sa kabila  ng sahod nitong P34,000 lamang kada buwan.

Kaugnay nito, nakahanda   ang AFP  na makipagtulungan sa Bureau of Internal Revenue  para sa gagawing pagsusuri sa ari-arian at lifestyle ng kanilang mga opisyal.

Sinabi  ni AFP Spokesman Jose Mabanta, wala silang nakikitang problema sa hakbang ng BIR at makakatulong nga ito sa kampanya para sa transparency.

Ayon kay Mabanta, may commitment ang kanilang liderato na linisin ang sistema at welcome sa kanila ang hakbang ng BIR.

Magugunitang naungkat ang mga ari-arian ng mga dating AFP chief at maging ang maluhong pamumuhay ng kanilang mga misis na pabiyahe-biyahe pa sa abroad nang tumestigo si dating AFP budget officer George Rabusa  na hinhinalang lumantad lamang para iligtas ang sarili kapalit ng pagtuturo nito. Vicky Cervalez at Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply