Paglilikas sa OFWs itinigil ng OWWA
DAHIL unti-unti nang bumubuti ang sitwasyon sa Egypt, pansamantalang itinigil ng pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagpapa-uwi sa bansa ng overseas Filipino workers (OFWs) mula nabanggit na bansa.
Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon ang pagpapatigil sa paglilikas ay sanhi sa unti-unti nang humuhupa na kaguluhan sa Egypt kaugnay sa pagbaba sa puwesto ni Egypt President Hosni Mubarak.
Sinabi ni Dimzon na magpapatuloy naman ang kanilang pagbabantay sa sitwasyon sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at sa kanilang pakikipag-ugnayan sa International Organization of Migration.
Tiniyak naman ni Dimzon na nananatiling handa ang pamahalaan na pauwiin dito ang mga Pilipino sa oras na muling may magpalista para sa voluntary repatriation
Kahapon Lunes, Pebrero 14 ay nakabalik sa bansa ang 3rd batch na binubuo ng 36 OFWs mula sa Egypt
Ang OFWs ay sinalubong ni OWWA head Carmelita Dimson at Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affair ng Department of Foreign Affairs (DFA) 3:30 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal – 1
Ang mga dumating OFWs ay kinabibilangan ng 30 babae, tatlong lalake at tatlong bata. Johnny F. Arasga
You must be logged in to post a comment Login