Paglilitis kay Ampatuan pinagtibay ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (CA) ang paglilitis sa kasong multiple murder kay dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Ito ay matapos ibasura ng CA ang  hiling ni  Ampatuan Sr. na mabalewala  ang rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) na isulong ang kasong murder sa korte, kaugnay sa Maguindanao massacre noong 2009.

Batay sa 27 pahina na desisyon ni CA’s Special Eleventh Division Associate Justice Noel Tijam, pinagtibay nito ang dalawang resolusyon na ipinalabas ng DOJ noong  April 16, 2010 at May 5, 2010,

Ayon sa CA may probable cause para sampahan ng kaso si Andal Sr.,  57 counts of murder para 57 biktima ng Maguindanao massacre.

Bukod kay Andal Sr., kabilang din sa pangunahing akusado si Andal Jr at private armies nito, samantalang kasama naman sa petitioner si DAtu Anwar Ampatuan, ang Alkalde ng Shariff Aguak.

Iginiit pa sa desisyon na hindi umabuso sa kapangyarihan ang DOJ nang ipalabas nito ang resolution noong Abril 16, 2010 kung saan binaliktad nito ang naunang desisyon ni dating Justice Secretary Alberto Agra na nagpapawalang sala kay Andal Sr,

Nakasaad pa sa desisyon na hindi maaaring palitan ng korte ang hatol ng executive branch at ang tangi lamang nilang trabaho ay idetermina kung umabuso sa kapangyarihan ang Kalihim nang ipalabas ang naturang resolution. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply