Paglipat ni Reyes sa Camp Aguinaldo inihahanda na

INIHAHANDA nang ilipat ang labi ni dating AFP chief of staff Angelo Reyes mula sa Ascension Chapel patngo sa Camp Aguinaldo upang mabigyan ng full military honors.

Nakatakdang dalhin ng military service ngayong 10:00a.m. ang labi ni Reyes kung saan naihanda na rin kagabi ang St. Ignatius Chapel ng AFP para maging maganda ang paglalagakan ng labi.

Inaasahan bukas ang necrological services na pangungunahan ni Fr. Jun Ciscon na iisponsoran ng Philippine Military Academy Class 1966, na kinabibilangan ni Reyes.

Nakalinyang magbibigay ng kanyang eulogy si retired Army Col. Manuel Espejo, presidente ng Class 1966 at inaasahang kakanta ring muli ang kanyang mga apo na sina Andrea, Thea, Rafi at Martina.

Bilang paggalang sa retiradong AFP chief of staff, bibigyan ng 19-gun salute sa paghahatid dito sa kaniyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Maghahandog naman ng flower drop ang Philippine Air Force (PAF).

Dumalaw kagabi sina dating pangulong Joseph Estrada, dating executive secretary Eduardo Ermita at dating Comelec chairman Benjamin Abalos.

Nakarating na rin ang ang kapatid ni Reyes na si Lito na nanggaling pa sa Estados Unidos. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply