Pagmamahal, dedikasyon sa trabaho susi sa tagumpay

PATOK sa panlasang Pilipino ang Chinese at Japanese foods at patuloy na tinatangkilik sa bansa partikular na ang noodles.  Nahiram na natin ang kultura ng mga bansang ito lalo na sa usapin ng pagkain at paggamit ng chop sticks.  Hindi na matatawaran ang pagkahilig natin sa mga pagkain ng dalawang bansang ito.

Madaling  lutuin ang noodles, konting pakulo o kaya’y lagyan lang ng mainit na tubig, mapapawi na ang paghahapdi ng sikmura kapag nakahigop ng mainit na sabaw.  Nairaraos na din ang gutom ng hindi na kailangan pang magluto ng matagal dahil nakabubusog ito.

Ang “Rai-Rain Ken” ay isang Japanese restaurant na tinatangkilik ng mga Pinoy sa bansa. Mula sa China ang mga salitang  “Rai-Rai Ken”.   Ang  “Rai-Rai” ay nangangahulugan na ‘welcome’ at ‘restaurant’ o kainan ang ‘Ken’ sa mga Tsino at Hapones.

Sa kasaysayan, ang idea ng Rai-Rai Ken ay isang paanyaya na kumain sa  isang maayos at kaaya-ayang restaurant kung saan  inaasahan ang ‘excellent’ na serbisyo at  masasarap,  nakatutuksong pagkain.

Pumatok ang salitang  Rai Rai Ken sa buong mundo.  Sa Pilipinas, itinayo ang Rai-Rai Ken Ramen House and Sushi Bar para magbahagi ng ‘customer satisfaction experience’ at tuklasin ang orihinal na layunin ng pagkakatatag nito.

Bilang bahagi ng serbisyo ng Rai-Rai Ken naghahandog ito ng  ‘authentic’ at  pampaganang Japanese cuisine.

“This is to simulate the old taste of festive treats true to the tastes of Old China and Japan perfectly synergized with modern atmosphere and ambiance that sums for a worthy new version of a rai rai ken,” ayon sa kasaysayan.

Maikling kasaysayan

Nakapagbibigay ng inspirasyon sa tao ang simula ng Rai-Rai Ken.  Sa isang maliit na pwesto sa Lungsod Makati unang nagsimula  ang ngayo’y hindi mapigilang paglaki ng restaurant. Bunga ito ng pagsisikap ni Benjamin Garcia, o mas kilala bilang Ka Benjie, President at Chief Operating Officer.

Si Ka Benjie ay nagsimula bilang isang dishwasher sa Ramen Tei, Japanese Restaurant sa Makati City noong 1985.  Dahil sa likas na pagiging masipag at  matiyaga  kaniyang trabaho, ipinagkatiwala sa kaniya ang titulo bilang head cook.  Dahil sa kaniyang pagmamahal at dedikasyon sa trabaho, ipinadala siya  ng may-ari sa  Japan para magsanay ng marami pang  paraan ng pagluluto at paghahanda ng Japanese foods partikular ang Japanese ramen o noodles na  specialty ng mga Hapon.   Nang bumalik siya mula sa Japan, siya naman ang naatasan na magsanay sa ibang Japanese cooks.

Sa kwento ng ilang restaurant staff, labis silang humanga nang malaman na isang Pinoy pa ang naging daan para magsanay sa mismong Japanese cooks.  Pinahalagahan lahat ni Ka Benjie ang biyaya ng pagtitiwala dahil batid niya na magiging daan ito sa isang magandang kinabukasan.

Noong 1992,  itinayo ni Ka Benjie ang kaniyang sariling  kainan o maliit na karinderya sa Bautista st. Makati City, ang Master Chow.  Pumatok ang “tapsilog menu” sa almusal na inihahanda at dinarayo ng mga nag-oopisina sa paligid.

Hindi nagtagal, nagsimula na silang mag-serve ng ramen o Japanese noodles sa customers.  Pumatok sa panlasang Pinoy ang ramen ni Ka Benjie dahilan para lalong dumugin ang kaniyang munting karinderya.

Hanggang ngayon,  patuloy na tinatangkilik ng kaniyang mga dating customer na naghahanap ng mainit na pagkain, ang masarap na ramen at noodles sa mga sangay nito.

Marami ang hindi nakaaalam na ang Master Chow din ang supplier ng ramen at iba pang produktong Japanese sa ilang malalaking  Japanese restaurants sa kalakhang Maynila.

Taong 1993 nang palitan ng Rai-rai Ken ang pangalang Master Chow na unti-unting kumupas sa  mga alaala  sa mga unang suki.

Maaaring nakalimutan na nga ang pangalan ng ‘old tea house’, Master Chow pero hindi ang ‘tradition of authentic Japanese food at  ‘personalized service’ na nagpapatuloy na magpa-wow sa customers ng Rai-Rai Ken.

Ang salitang Rai-Rai Ken ay irihinal na binibigkas bilang Lai-Lai, subali’t dahil hindi mabigkas ng Japanese ang letrang ‘L’ kaya’t tuluyan itong binigkas na Rai-Rai Ken.

Sa ngayon, nasa mahigit na 40 outlets na ang Rai-Rai Ken sa bansa at patuloy pa sa paglago.

Ang nasabing Japanese restaurant ay nakatanggap ng gawad ng pagkilala bilang  “Outstanding Casual Japanese Restaurant” noong  2005 ng Philippine Marketing Excellence Awards.

Patok na menu

Kilala ang Rai-rai Ken sa tawag na “Japan’s Famous Ramen” dahil sa dekalidad na lasa ng noodles at abot-kayang halaga.  Dagdag pa dito ang pagkakaroon ng komportableng kapaligiran na talaga namang nanamnamin mo ang bawat subo ng mainit na noodles.

“A unique process of preparing the broth soup and proprietary recipe of sauces and freshly-made noodles that makes every bowlful of Ramen a heartwarming experience!,” ayon sa isang anak ni Ka Benjie na namamahala sa Rai-Rai Ken.

Ayon sa kaniya, ang Rai-Rai Ken ay nag-se-serve ng authentic Japanese foods na sumailalim sa masusing product research.

Ang Chef na si Ka Benjie, may-ari,  ang mismong  nangunguna sa research, para makatiyak na nag-e-enjoy ng customers ang tunay na lasa ng  Japanese foods.

Kabilang sa mga bagong menu  ang Rai Rai Ken Bento na tampok ang katakam-takam na ‘chicken tori karaage, ebi tempura, beef yakiniku, fried gyoza, yasai salad, tamago at  miso soup.’

Sa mga mahiligan sa ramen tuklasin ang  Rai Rai Ken’s Seafoods Hotpot Ramen, kumbinasyon ng  ‘mixed seafoods’, ‘fish cakes’, ‘crab stick’, ‘mussels’ at ‘tofu in thick soup’.

“A must try in the menu are fresh sushi, sashimi, and other concoctions prepared by expert sushi chef (all trained by a Japanese chef) will surely delight you,” ayon pa sa anak ni Ka Benjie.   Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply