Pagmimina sa Palawan tinutulan ng NGOs

DAAN-daang non-governmental organization (NGO) ang nagkaisa kahapon para suportahan ang Alyansa Tigil Mina (ATM) na naglalayong mapahinto ang pagmimina sa Palawan.

Ayon sa report, nagkakaisa ang mga lider ng mga grupo  at kongresista na gawin ang kanilang makakaya upang isulong ang Save Palawan Movement sa pamamagitan ng pagkalap ng10 milyong pirmang sumusuporta sa adbokasiya.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, hindi lamang ang Palawan campaign ang sinusuportahan nila kundi pati lahat ng lugar na apektado ng pagmimina.

Kabilang dito ang mga maliliit na komunidad, maliliit na isla o bundok at buong rehiyon.

Aniya, alinmang sulok ng Pilipinas na nangangailangan ng kanilang suporta na may kinalaman sa pagmimina at susuportahan ng ATM dahil nangangahulugan ito ng environmental justice at human rights. Nenet  L. Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply