Pagpapa-deport sa 14 Taiwanese aprubado ni De Lima

INAMIN ni Justice Secretary Leila De Lima, na siya ang nagpahintulot sa pagpapa-deport sa mga Taiwanese sa China.

Ani De Lima, obligasyon ng estado o pamahalaan na pangalagaan ang bansa sa mga undocumented o undesirable aliens.

Nakatanggap din umano ang Pilipinas ng official request mula sa People’s Republic of China (PRC) na ang 14 Taiwanese na naaresto ay may outstanding warrant of arrest.

Nanawagan naman ang kalihim na huwag nang idamay ang libu-libong overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan sa hindi pagkakaunawaan ng mga bansa.

Pinagpapaliwanag na rin ng Court of Appeals (CA) si Bureau of Immigration (BI) acting commissioner Ronaldo Ledesma, kung bakit hindi pinansin ang inilabas na writ of habeas corpus na nag-uutos na iharap ang anim na Taiwanese sa korte. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply