Pagpapadala ng OFWs sa Saudi ipinatigil

ITIGIL na ang pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

Ito ang isa sa rekomendasyon ng House Committee on OFW’s Affairs (COWA) sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) matapos dalawin ng mga mambabatas ang naturang bansa at tumambad sa kanila ang tambak na reklamo ng pang-aabuso sa mga Pinoy domestic helper.

Bukod sa suspensyon ng deployment ng OFW sa Saudi Arabia ay nais din ng COWA na ituring ng gobyerno ang Saudi bilang bansa na hindi dapat puntahan ng domestic workers.

Napatunayan ng fact-finding mission na kinabibilangan ng mga mambabatas na maraming OFW sa Saudi ang napapariwara at dumaranas ng harassment, panggagahasa, pambubugbog o pananakit at iba pang uri ng sexual at physical abuse.

At ito ay resulta ng “contract substitution” na naging kalakaran na ng maraming recuitment agencies sa Saudi, kung saan ipinapasa ang Pinoy domestic helpers sa ibang employer upang hindi na makabalik sa orihinal na employer, habang ang kanilang mga dokumento gaya ng pasaporte at permit ay nananatiling hawak ng unang employer. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply