Pagpapadala ng tulong sa New Zealand; Libya, pinag-aaralan

PINAG-AARALAN na rin ngayon ng pamahalaan kung paano matutulungan ang may 2,000 Filipino na nasa Christchurch, New Zealand na tinamaan ng 6.3 magnitude earthquake kung saan ay sinasabing may 12 pinoy na ang inulat na nawawala.

Ito ang naging pahayag ni Defense Secretary Voltaire Gazmin nang pangunaha nito ang paggunita sa ika-123 “birth aniversary” ni General Vicente Lim na dinalo din ni Manila Mayor Alfredo Lim.

Hindi umano magpapadala ng mga Armed Forces of the Philippines (AFP) sa New Zealand para sa search and rescue operation para sa nawawalang mga Filipino, ngunit ayon kay Gazmin, pinagaaralan pa ang lahat ng contingency para matulungan ang mga Overseas Filpino Workers (OFW) na naiipit sa political turmoil sa Libya at ang mga naapektuhan ng lindol sa New Zealand.

Siguradong tutulong ang gubyero ngunit ipinauubaya muna sa mga embahada sa mga naturang bansa ang repatriation at rescue operations.

“I’m sure we will, right now were taking the problems one by one, we’re focusing on the Middle East first, then we will go to New Zealand,” ani Gazmin.

Samantala, taliwas sa pahayag kahapon ng AFP hinggil sa paggamit ng Philippine Air Force (PAF) C-130 cargo plane sa mass evacuation ng mga OFW ay nilinaw din ni Gazmin na hindi pa ito sigurado, ngunit may commercial aircraft na available na on-standby.

Nabatid na may kautusan umano si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na tiyakin na maiuuwing ligtas sa bansa ang mga naipit na OFW sa kaguluhan sa Libya.

Naghihintay lamang umano si Gazmin ng order mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), kung kailangan ng paliparin sa Libya ang C-130 ng AFP o ang mga chartered planes ng Philippine Airlines (PAL).

Magugunita na inilikas na ng ibang mga bansa ang kanilang mga kababayan sa Libya, maliban sa Pilipinas na hindi pa nagsasagawa ng paglilikas. Verlin Ruiz

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply