Pagpapatalsik kay Ronald Singson pag-uusapan na

UMAPELA si Ilocos Sur Representative. Ronald Singson  sa kanyang mga kasamahang mambabatas na patapusin muna ang kaso bago aksiyunan ang kanyang kaso.

Ang pakiusap ay ginawa ni Singson sa panayam ng GMA-7 sa Hong Kong kung saan sinabi ng kongresista na “Ang pakiusap ko sana patapusin muna iyong kaso hanggang sa magkaroon ng final result.“

Kasabay nito ay inamin ni Singson na nahirapan siyang aminin sa hukom ang kanyang pagiging adik sa droga simula noong 2004 na nag-ugat sa kanyang depresyon.

Ika-2 ng Pebrero, Miyerkules ng hapon nang aprubahan ng House Ethics Committee and Privileges ang resolusyon na nagsusulong na masimulan ng komite ang pagtalakay sa pagsibak kay Singson sa Kamara matapos umamin na gumagamit ng droga.

Nakapaloob din sa resolusyon na “moral duty” ng komite na talakayin ang kaso ni Singson dahil ay “offense involves moral turpitude.”

Sa Pebrero 17, 2011 ay muling magpapatuloy ang pagdinig ng Wan Chai District Court ng Hong Kong sa kaso ni Singson bago pa man ibaba ang hatol. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply