Pagpapatiwakal dahil kina Padre Damaso at mga korap

NANG binaril ni Heneral Angelo Reyes ang kanyang sarili at namatay, bigla nating naalaala ang pagtrato ng simbahang Katoliko sa mga katulad niya.

Kasi naman, nakamulatan natin ang istriktong patakaran ng simbahan ukol sa mga kasong ganito.

Basta nagpakamatay ang isang Katoliko, hindi siya pupuwedeng ipasok sa simbahan, misahan, basbasan at ilibing sa sementeryong Katoliko.

Isang napakalaking kasalanan, sabi ng mga pari at obispo, ang pagpapakamatay.

Ang katwiran nila, tanging ang Diyos lamang umano ang may karapatan o kapangyarihan kaya na kumitil ng buhay.

Kaya nga, pinagkokontra nila ang parusang bitay sa mga kriminal na may mga karumal-dumal na krimen.

oOo

Pero nitong nagdaang mga araw, unti-unting naglabas ang mga obispo at pari ng pagbabago sa pagtrato sa mga nagpapatiwakal.

Depende umano ang sitwasyon.

Kapag ang kumitil ng sarili niyang buhay ay wala sa kanyang katinuan o nagkakaroon ng matinding depresyon gaya ni Heneral Reyes, tiyak umanong makatatanggap ito ng pang-unawa ng mga sugo ng Diyos.

Kaya pupuwedeng ipagmisa si Reyes, basbasan ng holi water, ipasok sa simbahan at ilibing sa Katolikong sementeryo.

Pero paano yung mga nagpatiwakal para mapagtakpan ang mga kalokohan o krimen ng iba?

Paano ang mga nagpapakamatay sa digmaan dahil sa pagmamahal sa bayan at hindi pagsuko sa mga kalaban?

Paano ang mga nagpapakamatay na ama at ina dahil sa hindi na nila kayang bigyan ng pagkain at makita ang kanilang mga anak na namamatay o nagiging buto’t balat dahil sa kahirapan?

Ang mga nagpatiwakal dahil kay Padre Damaso, paano sila, huh?-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply