Pagpapatiwakal ni Reyes may mas malalim na dahilan

AYAW patulan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may kinalaman si dating Pangulong Gloria Arroyo sa pagpapakamatay ni dating AFP chief Angelo Reyes.

Sa pulong balitaan sa tanggapan ng Defense Press Corps of the Philippines, Miyerkules ng umaga, Pebero 9 na dinaluhan nina DND Spokesman Eduardo Batac at AFP spokesman Jose Mabanta, tumanggi ang mga opisyal na magbigay ng reaksyon hinggil sa pagkakadawit ni GMA sa fund mess na inuugnay sa  pagtawag umano ni GMA kay Reyes bago nagpakamatay.

Samantala, naniniwala naman ang malalapit na tauhan at kaibigan ni Reyes na may mas malalim pang dahilan sa pagpapakamatay ng heneral.

Ito ay matapos ibulgar ni Army 10th Infantry Battalion Col. Edgardo de Leon  na sa kanilang huling pag-uusap ni Reyes ay nabanggit nito na “cosmetic na lang yan, ako talaga ang target diyan,” at sumunod na araw ay nabalitaan na lang niya na nagpakamatay na ang biktima sa harap ng puntod ng kanyang magulang sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Sinabi pa ni De Leon na pakiramdam umano ni Reyes ay wala na siyang pag-asang makakuha ng patas na laban sa isinasagawang pagdinig dahil pinagtutulungan siya ng iba’t ibang panig.Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply