Pagpapatumba sa top official ni Abalos may bahid politika?

SINISILIP ngayon ng pulisya ang anggulong pulitika sa pagpaslang sa mataas na opisyal ng Mandaluyong City at political adviser ni Mayor Benhur Abalos kagabi, Biyernes, Pebrero 4.

Si Joselito Torres, city administrator ng Mandaluyong, ay pinagbabaril ng isang lalaki ika-9:45 ng gabi sa Barangka dr., Barangay Barangka sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang internet shop na tila may hinihintay nang sumulpot ang gunman at pinagbabaril ang biktima, na tinamaan ng dalawang ulit sa ulo at isa sa katawan.

Lumalabas na masyadong planado ang pagpatay sa biktima dahil mayroon pa umanong dalawang kasabwat na nakaposteng look-out para siguruhin ang kanilang “trabaho.”

Kinondena naman ni Abalos, sa pamamagitan ng kanyang chief PIO na si Jimmy Isidro, ang pamamaslang sa kanyang top official at inatasan ang pulisya na magsagawa ng masusing imbestigasyon.

Matatandaan na naging mainit ang pulitika sa lungsod noong nakalipas na eleksyon nang makatunggali ni  Abalos si Erbert Buan Domingo, na natalo matapos masangkot sa kasong drug trafficking sa Pasig City. Jhie Convocar

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply