Pagsasaayos ng mga irigasyon ipinamamadali

IPINAMADALI noong Lunes, Pebrero 21, ni Agriculture Sec. Proceso  Alcala sa National Irrigation Administration (NIA) ang pagkumpuni sa mga nasirang major irrigation systems sa bansa.

Ayon sa report, ginawa ito ni Alcala sa pag-asang mapaparami ang produksyong palay sa bansa at magiging rice self-sufficient na sa  2013.

Unang inatasan ni Alcala ang mga DA regional managers at project directors na pinangungunahan ni administrator Antonio Nangel sa Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (UPRIIS) main office sa Cabanatuan City.

Sa ilalim ng Aquino administration, nais ng gobyernong makapag-produce ng mahigit 21 million metric tons (MMT) ng bigas sa 2013.

Hiniling din ni Alcala sa mga NIA regional managers at project directors na i-revise ang dati nilang repair estimates at i-prioritize ang mga irrigation systems na mabilisang makapagsu-supply ng tubig sa mga sakahan. Nenet Villafania

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply