Pagsibak sa BIR official sa Cebu pinaboran ng SC

KINATIGAN ng Korte Suprema ang desisyon ng Tanggapan ng Ombudsman na alisin  sa tungkulin ang  Special Investigation Division Chief ng Bureau of Internal Revenue (BIR)-Cebu City na si Nieto Racho.

Ito ay makaraang paburan ng Supreme Court ang petisyon ng  Ombudsman na muling pag-aralan, baligtarin at isantabi ang Feb. 21, 2008 decision at November 20, 2008 resolution ng Court of  Appeals na nag-aatas na baligtarin at isantabi ang kautusan ng Office of the Ombudsman –Visayas.

Batay sa 15-pahinang desisyon ng Korte Surpema, dapat lamang na  ipatupad ang naunang  desisyon ng Ombudsman na ma-dismiss sa tungkulin si Racho, bukod pa ang pag-forfeit ng mga  benepisyo nito at perpetual disqualification sa anumang pampublikong tangapan.

Ayon sa Mataas na Hukuman, naging magkaiba ang pagtingin ng Ombudsman at Court of Appeals sa mga dokumentong iprinisinta, kung kaya’t mahalagang muling tingnan ang rekord ng kaso.

Nakita ng Supreme Court  na hindi  lang ang tungkol sa passbook ang hindi idineklara ni Racho  kundi maging ang nalikom niyang yaman ay hindi rin nya naipaliwanag kung saan nanggaling iyon. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply