Pagtalaga sa DFA chief legal — Drilon

TINIYAK ni Sen. Franklin Drilon na legal ang pagkakatalaga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Albert F. del Rosario bilang acting secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Drilon, dating chairman ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA), kaya umano itinalaga muna si del Rosario bilang presidential adviser on international relations upang bigyang-daan ang pagtalaga sa kanya bilang acting secretary ng DFA.

“He was appointed presidential adviser on international relations. In such capacity, P-Noy can designate him as acting secretary,”paliwanag ng senador na miyembro ng CA.

Aniya,  kaya acting capacity lang si del Rosario sa DFA dahil sa ipinagbabawal sa ilalim ng Konstitusyon ang pagtalaga ng bagong miyembro ng Gabinete habang may sesyon ang Kongreso.

Sa Marso 26, magkakaroon ng recess ang sesyon ng Kongreso kung kaya dito pa lamang maaaring italaga bilang secretary si del Rosario.

Kasabay nito, umapela rin si Drilon na huwag nang intrigahin ang pagtalaga kay del Rosario bilang acting chair sa gitna ng problema ngayon sa Middle East at North Africa kung saan nagtatrabaho ang maraming overseas Filipino workers. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply