Pagtatayo ng ospital sa Rizal suspendido

SUSPENDIDO ang konstraksiyon ng tatlong palapag na Ospital ng Montalban sa bayan ng Rodriguez, Rizal matapos na magkaroon ng paglabag ang kontraktor nito ayon sa Commission on Audit sa nasabing lalawigan.

Pinasususpinde rin ang paunang bayad ng pamahalaang lokal sa nasabing proyekto na nagkakahalaga ng  15% sa kabuuang halaga ng konstraksiyon.

Ang nasabing kontrata na nagkakahalaga ng P7 million na nakuha ng R.R. Encabo Contractor and Traders sa panahon ni dating mayor Pedro Cuerpo ay pansamantalang ipinatigil matapos na matuklasan ng COA audit team na kulang ang “performance bond.”

Ayon sa COA kulang ng P2.5 milyon ang nasabing bond kung kaya’t illegal ang nasabing transaksiyon.

Nabatid na binigyan ng pabor ang nasabing kompanya na gamit lamang ang estimated total price sa halip na ang total contract price.

Mahaharap din sa kasong paglabag sa mga probisyon ng P.D. 1445 ng Local Government Code of 1991 at ng implementing rules ng R.A. 9184 sina Cuerpo, dating BAC chairman Fernando Rono, municipal budget officer Ruben Sarmiento at dating BAC member Aristotle Cruz. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply