Pagtatayo ng stem cell research center inihain

IPINANUKALA ng isang kongresista ang pagtatatag ng stem cell research center sa bansa upang matulungan ang mga mahihirap na nangangailangan ng lunas sa sakit.

Ang panukalang batas ay inihain ni Rep. Joseph Emilio Abaya, vice chairman ng House committee on science and technology.

Ipinaliwanag ni Dr. Dante Dator, deputy executive director ng, na lahat ng tao ay nanggaling sa stem cell at may kakayahan ito na pagalingin ang maraming sakit.

Ayon kay Dr. Marita Reyes, Vice Chairman ng Philippine Health Research Ethics Board at dating miyembro ng faculty ng University of the Philippines (UP) Biochemistry Department, “ang kasalukuyang pamamaraan ng lunas mula sa mga produkto ng stem cell sa Estados Unidos ay nagsasangkap ng tinatawag na ‘replacement for bone harvesting in spine fusion surgery, bone growth and void fill in fresh fractures and bone growth and void fill in non-union fractures.’”

Ang mga ospital na may stem cell therapy and research sa kasalukuyan ay ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center at Medical City.

Sinabi ni Dr. Mark Pierre Dimamay ng St. Luke’s Center for Stem Cell Research and Biotechnology Division na, “(ang) paggagamot ng stem cell ay dumadaan sa clinical trials at napatunayang ligtas at epektibo bago ito inilabas sa merkado matapos itong gamitin bilang stem cell therapy na bahagi ng serbisyong dermatologikal sa ilang mall.”

Sa ilalim ng House Bill 1977 na inihain ni La Union Rep. Eufranio Eriguel, isang doktor, isusulong ang pagtatatag ng pagsusuri at human clinical trials gamit ang stem cells na napatunayang nakakagamot sa mga pasyente ng kanser.

“Bukod sa makalulunas ito sa mga kababayan nating may kanser ay makakatulong ng malaki ito sa ekonomiya ng bansa dahil tayo ay magiging isang bukas na scientific inquiry at technological innovation na maghahain sa atin ng magandang kabuhayan at makakapagdulot ng maraming trabaho”, ani Eriquel.

Ang stem cells ay ginagamit sa bone marrow transplantation at peripheral blood stem cell transplantation.

Ang dalawang pamamaraan na ito ay nagpapanumbalik ng stem cells na sinisira ng pamamaraan ng chemotherapy at radiation treatment sa mga may sakit na kanser.  Beth Aragon

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply