Pagtugis kay Lacson ipinatutuloy

HINILING ng pamilya ng napaslang na PR man na si Salvador “Bubby” Dacer na kakatigan ng hukuman ang kanilang apela sa ipinalabas na desisyon ng Court of Appeals (CA) kahapon na nagbabasura sa kaso ni Sen. Panfilo Lacson.

Sa panayam Atty. Demetrio Custodio, abogado ng pamilya ng biktima, inihayag ng opisyal na kanilang ikinasorpresa ang desisyon ng appellate court, kung saan binaliktad nito ang findings ng Department of Justice na may probable cause para sa paghahain ng double murder case laban sa mambabatas.

Si Lacson ang itinuturong utak sa pagdukot at pagpatay kay Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

Kaugnay nito, iginiit pa ng abogado na hindi pa pinal ang desisyon ng CA, kung kaya hinimok nito ang awtoridad na huwag tumigil sa pagtugis sa puganteng mambabatas.

Una rito, inihayag na rin ni Public Prosecutor Hazel Valdez na magsasampa sila ng motion for reconsideration para kontrahin ang CA ruling.

Sinabi ng opisyal na mayroon silang 15 araw para i-apela ang naturang desisyon. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply