Pagtugis sa mga suspek sa Maguindanao massacre pinaigting

LALO pang pinaigting ng awtoridad ang pagtugis sa mga suspek sa karumal-dumal na Maguindanao massacre na ikinamatay ng mahigit 50 katao kabilang ang ilang mamamahayag.

Ayon sa report ay nagtatago lamang ang mga suspek sa lalawigan ng Maguindanao.

Sinabi ni S/Supt. Marcelo Pintac, police provincial director ng Maguindanao na maaaring nagtatago lamang sa mga bulubunduking bahagi ng probinsya ang mga suspek.

Miyerkules, Pebrero 16 nang maaresto ng joint operation ng AFP at PNP-Maguindanao si Nasser Esmael, alyas “Nasrudin Esmael” sa Brgy. Meta, Datu Unsay, naturang lalawigan.

Si Esmael na isa sa 195 akusado sa masaker ay drayber ni Andal Ampatuan Jr. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply