Pagtuloy ng impeach case vs Ombudsman ‘iligal’

POSIBLENG may paglabag ang House committee on justice sa desisyon na ituloy ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez kahit hindi pa pinal ang desisyon ng korte sa kaso.

Ayon kay Justice Midas Marquez, tagapagsalita ng Korte Suprema, ang hakbang ng mga kongresista ay posibleng labag sa judicial procedure.

Una nang nanawagan ang Korte Suprema sa mga kongresista na huwag munang ituloy ang impeachment proceedings dahil maaari pang maghain ng apela ang kampo ni Gutierrez kaugnay ng pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon nitong pigilin ang pagpapatuloy ng pagdinig sa reklamong impeachment laban sa kanya.

Kaugnay nito, sinabi ni Marquez na bukas ang Korte sa ihahaing pleading ng mga partidong sangkot sa nasabing usapin hinggil sa ginawang hakbang ng mababang kapulungan.

Tinukoy ni Marquez na nakadepende sa ilalahad na argumento sa pleading ni Gutierrez ang magiging pasya ng Korte Suprema.

Sa ilalim ng Rules of Court, may 15 araw ang kampo ni Gutierrez para maghain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema mula nang matanggap ang kopya ng desisyon.

Nagpasya ang komite na ituloy ang pagdinig sa impeachment complaints laban kay Gutierrez makaraang aprubahan ng House panel sa botong 21-5 ang mosyon ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas na bigyan ng dagdag na tatlong araw o higit pa si Gutierrez para sagutin ang mga reklamong impeachment laban sa kanya. Teresa Tavares

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply