Pagwawala ng hepe ng pulis huli sa video

HULI sa video ang pagwawala ng hepe ng pulis Ilocos Norte sa isang car wash matapos humingi ng tulong ang isang concerned citizen sa pulisya sa Laoag.

Sa nasabing video ay huling-huli ang pagwawala at pambubulyaw ni S/Insp. Jay de Guzman, chief of police ng San Nicolas, Ilocos Norte sa mga manggagawa ng isang car wash sa lugar, kung saan nagpalinis ng sasakyan ang inirereklamo.

Nakuha rin sa video ang paglalabas ng baril ng hepe habang binubulyawan at sinesermunan ang mga manggagawa ng establisimyento.

Hindi naman itinanggi ng hepe ang kanyang ginawa at sinabing nagalit lamang siya dahil sa pagkawala ng isang gamit sa kanyang sasakyan.

Subalit nang tanungin tungkol sa paglalabas ng baril, dipensa ng hepe na ipinakita lamang niya iyon at walang balak na gamitin. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply