Palarong Panrehiyon 2011 sa Pasay tagumpay

NAGING matagumpay ang pagwawakas sa idinaos na Palarong Panrehiyon 2011 sa lungsod ng Pasay sa pakikipagtunggali ng atleta sa buong Metro Manila.

Sa pagwawakas ng Palaro, nakamit ni Tristan Jean Avelino at Inna Dionision kapwa estudyante ng Saint Mary’s Academy ang gold medal para sa taekwondo (finweight).

Samantala, nakamit naman ni Kate Andal ng Saint Mary’s Academy ang bronze medal sa kategoriyang flyweight.

Sa elementarya, nakuha ni Kamalayan Latupan ang silver medal at bronze medal naman ang nasungkit ni Renz Ramos. Ang dalawa ay kapwa mula sa Blessed Elena Elementary School.

Sa kabilang dako, pinarangalan naman si Jade Capadocia (Rafael Palma Elementary School) na nakakuha ng gintong medalya para sa lawn tennis, nakamit naman ng kapatid nitong si Marian Capadocia (Arellano University-A. Mabini H.S.) ang silver medal.

Nakopo ng Pasay ang 12 gintong meldalya, 3 silver medal at 1 bronze para sa arnis.

Ang Palarong Panrehiyon ay sinimulan nitong Pebrero 16 na nilahukan ng humigit kumulang sa 700 kabataang atleta mula sa iba’t ibang paaralan sa 16-distrito, sa pakikipagtulungan ng Division of City Schools, Pasay City.

Bilang special trainor, ikinagalak nina Johanna Ochoa at Roberto Cruz ang matagumpay na pagdaraos ng Palarong Panrehiyon 2011, na ang unang yugto ay ginanap sa Pasay City.

Naging special trainers din sina Elmer Reyes, Adel Jongco, Wilfredo Pelongco Sr., Elma Muros, Monna Soliman Jai Jaitula.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mayor Antonino Calixto ang pamunuan ng Department of  Education (DepEd), na nagsumikap mahubog ang  mga kabataan sa iba’ ibang larangan sa palakasan. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply