Palasyo nanindigan sa responsible parenthood

PINANINDIGAN ng Malakanyang na talagang responsible parenthood at hindi reproductive health ang itinutulak ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na simula ng presidential candidate pa lamang si Pangulong Aquino ay pinaboran na nito ang responsible parenthood sa paniniwalang ang desisyon ng pagpaplano ng pamilya ay nakasalalay sa kung ano ang desisyon ng mag-asawa.

“There’s that misconception that the President is pushing the RH bill entirely in the campaign. We have always been very consistent that his stand was always for responsible parenthood. The choice is left to the parents after they have all the available information given to them and they will make the choice according to their personal belief,” anito.

Binigyang diin nito na hindi kailanman pinaboran ng Punong Ehekutibo ang kahit na anomang family planning method bukod sa responsible parenthood.

Nauna nang sinabi ni Sen. Pia Cayetano na ang hindi pagkakasama ng reproductive health bill sa listahan ng priority legislation ni Pangulong Aquino na ipiprisinta sa LEDAC meeting sa darating na Pebrero 28 ay nagpapakita lamang ng     “indecisive leadership” ng Chief Executive.

Para naman sa grupong Democratic Socialist Women of the Philippines, isang pag-traydor sa taumbayan lalo na sa mga kababaihan ang hindi pagkakasama ng responsible parenthood bill sa LEDAC meeting.

“His withdrawal of support to the RH bill totally ignores the rights and welfare of women, particularly the poor women, who because of his inaction, will continue to be under threat of complications related with pregnancy and childbirth,” ayon kay DSWP national chairperson Elizabeth Angsioco.-Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply