Palasyo umapela sa mga obispo vs RH Bill

UMAPELA ang Malakanyang sa mga obispo na magdahan-dahan sa pagpapahayag kaugnay sa kontrobersiyal na reproductive health bill.

“Let’s be sober in our statements. We have maintained our dialogue with the bishops. Wag munang maging very hostile sa mga statements. There is still a long process, there’s a process that we can go through,” ayon kay Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda.

Kapwa hinikayat nina Sorsogon Bishop Arturo Bastes at Lipa Archbishop Ramon Arguelles ang taumbayan na agad na maglunsad ng “civil disobedience” kapag naging ganap na batas na ang RH bill.

Sinabi ni Lacierda na nirerespeto nila ang constitutional right ng bawat tao na ihayag ang kanilang opinyon at hinaing sa usapin habang hinikayat naman nito ang anti-RH bill advocates na dalhin sa Kongreso ang kanilang sentimyento.

Kamakailan, inaprubahan ng House committee on population and family relations ang “consolidated RH bill” na may titulong “An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health and Population and Development.”

Nauna nang nagbanta ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na kakalas sila sa usapan sa Malakanyang kapag naisulong ang RH bill.

Labis namang ikinagulat ng Malakanyang ang ipinahayag na ito ng CBCP.

Itinutulak ng Malakanyang ang responsible parenthood sa halip na RH bill dahil isinusuka diumano ni Pangulong Benigno Aquino III ang probisyon na pinipilit ang bawat isa na sundin ang isinasaad ng nasabing panukalang batas.

Ang RH bill ay naglalaman ng “access to information” kapwa sa natural at artificial family planning methods habang sinusuportahan ng CBCP ang natural family planning methods at ibinabasura ang RH bill na nagpo-promote sa paggamit ng contraceptives na para sa Simbahang Katoliko ay “abortifacients” o kemikal na ginagamit sa pagpapalaglag ng bata.

Unang nagpulong ang Malakanyang at kinatawan ng CBCP noong Nobyembre 19 ng nakalipas na taon, ang ikalawang pulong naman ay nangyari noong Enero 24 at ang ikatlong pulong naman ay nakatakda sa katapusan ng buwan. Kyle Gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply