Palitan ng piso kontra dolyar, sasadsad sa P35– Recto

SASADSAD sa P35.00 ang magiging palitan ng dolyar laban sa piso ngayong taon, ayon kay Sen. Ralph Recto.

Ayon kay Recto, mangyayari lamang ito kung maisasagawa ang mga bagong polisiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Samantala, ayon sa forecast ng Hong Kong and Shanghai Banking Corp. ang magiging palitan ng piso ay P37.50 kontra dolyar sa kasalukuyang taon na maaari pang sumadsad sa P35.50 sa darating na 2012.

Sinabi pa ni Recto, maganda sa isang malakas ng piso ay ang pagpigil sa tuluyang patataas ng mga presyo ng petrolyo na kasalukuyang humataw sa pagdaigdigang pamilihan bunsod sa sunud-sunod na kaguluhan sa mga oil producing countries sa gitnang silangan at North Africa.

“In layman’s terms, when peso is strong, there would be fewer pesos needed to import fuel which we pay in dollars, and this should trigger similar downtrend in prices of fuel and food,” dagdag pa niya. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply