Pamasahe bababa kung…

NANGAKO ang transport group na Pasang Masda na kusang-loob na ibababa ng mga operator ng pampasaherong sasakyan ang pamasahe kung iro-rollback ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Kasabay nito ay humiling ng pang-unawa si Obet Martin, pambansang pangulo ng Pasang Masda, dahil sa pagdaragdag ng piso sa pamasahe sa dyipni sa Miyerkules, Pebrero 2.

Nilinaw ng mga transport group na hindi na dumaan pa sa public hearing ang pagdaragdag-pasaheng ito dahil ito’y pagpapatupad lamang ng kautusan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ipinalabas nito noong 2008.

Matatandaang umalma ang National Council for Commuter Protection (NCCP) sa ginawang pagtataas sa pasahe ng mga public utility jeepneys o PUJ nang walang public hearing.

Nabatid naman kay LTFRB spokesperson Sonia del Mundo na bukas ang ahensya sa pagsusuri ng anumang apelang ihahain dito. Marjorie Dacoro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply