Miriam, Jinggoy, Trillanes mga sadista

“THAT’S what you call sadism.. sadism.”

Ito ang pahayag ng abogado ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Angelo Reyes sa hirit ng ilang senador, partikular ni Senator Miriam Defensor-Santiago na maaaring ipatawag pa rin sa imbestigasyon kaugnay sa isyu ng katiwalian sa AFP ang asawa at mga anak ni Reyes.

Sa panayam kay Atty. Bonifacio Alentajan, sinabi ng opisyal na bahala na umano ang mga senador kung ano pa ang gagawin sa isyu ngayong pumanaw na ang kanyang kliyente, pero sana ay bigyan muna nila ng panahon ang pamilya ng dating AFP chief para makapagdalamhati.

Una nang sinabi ni Alentajan na namatay ang kanyang kliyente na mabigat ang loob kina Senators Antonio Trillanes, Jinggoy Estrada at Santiago.

Ang tatlo ang gumisa kay Reyes sa kasagsagan ng imbestigasyon sa AFP fund scam.

Kahapon ay nagmatigas si Trillanes na wala siyang dapat ihingi ng paumanhin sa pagkamatay ni Reyes.

Sa panig ni Jinggoy, iginiit din nitong ginagampanan lamang niya ang kanyang trabaho bilang mambabatas.

Maalala  na sa unang pagdinig ng Senado, hiniling din nina Santiago at Estrada na patawan ng contempt ang dating hepe ng sandatahang lakas ng bansa dahil sa hindi pagsipot sa inquiry.

Kahapon ay ginulat ni Reyes ang lahat nang kitilin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa harap mismo ng puntod ng kanyang mga magulang sa Loyola Memorial Park, sa Marikina City. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply