Pamilya minasaker sa Camarines Sur

PINATAY ang apat sa miyembro ng pamilya habang tatlo ang nasugatan makaraang i-masaker ang mga ito ng mga di nakilalang armadong kalalakihan sa Brgy. Villadema, Libmanan, Camarines Sur.

Ayon sa inisyal na report, naganap ang pagpapaulan ng bala sa tahanan ng mga biktima bandang 8:10 ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi na sina Federico Bico, ama ng tahanan; at mga anak nitong sina Christian, Christine Ramier at Armando Queto.

Nasugatan naman sina Ronilo De Castro, isang nagngangalang Ryan, at di pa pinangalanang biktima.

Nabatid na pitong mga armadong kalalakihan ang pumasok sa bahay ng pamilya Bico at saka walang awang binaril  ang mga ito.

Napag-alamang may-ari ng komprahan sa naturang barangay ang mga biktima.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng pagpaslang. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply