Pamilya ng 3 bibitaying OFW di natuloy pa-China

HINDI natuloy ngayong Sabado, Pebrero 19, ang pag-alis ng pamilya ng tatlong overseas Filipino worker na nakasalang sa death row sa China dahil sa kasong drug trafficking.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jayson Ordinario, kapatid ni Sally Ordinario-Villanueva na isa sa tatlong bibitayin, sinabi nito na hindi tuloy ang paglipad nila papuntang China dahil “under negotiation” pa raw ito.

Aniya, isasaayos pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga kailangan sa pag-alis ng mga pamilya ng tatlong OFW bago makatulak sa China. Sagot ng gobyerno ang mga gastusin nila.

Noong Biyernes ng gabi, Pebrero 18, inilabas ang desisyon na ipagpaliban muna ang pagbitay kina Villanueva at Ramon Credo, na nakatakdang bitayin sa Pebrero 21 sa Xiamen, at Elizabeth Batain, na nakatakdang bitayin sa pamamagitan ng lethal injection sa Pebrero 22.

Nagpahayag ng kasiyahan ang mga pamilya ng tatlo sa balitang ipinagpaliban ang pagbitay sa mga ito, sabay pasalamat sa administrasyong Aquino na umano’y nagsusumikap matulungan ang tatlong OFW. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply