Pamilya ng biktima sa Luneta Massacre dismayado

DISMAYADO ang pamilya at kaanak ng walong biktima ng hostage-taking sa Quirino Grandstand noong 2010 sa unang araw ng inquest proceedings sa Hong Kong.

Ito ay dahil sa tumanggi ang mga testigo mula sa Pilipinas na magtungo sa Hong Kong para magbigay ng pahayag sa pagdinig sa kaso ng Luneta Massacre, ikinamatay ng walong Hong Kong nationals.

Ayon sa kwento ni Tse Chi-kin, kapatid ng tour guide na si Masa Tse Ting-chunn, napatay na nga ang kanyang kapatid ay ninakawan pa.

Nang kilalanin umano nila ang bangkay ng kanyang kapatid ay wala na ang sapatos at relo nito.

Pawang emosyonal naman ang lahat ng kaanak ng walong biktima habang binabalikan ang naganap na pangho-hostage ni Rolando Mendoza.

Sa nasabing pagdinig ay ipapakita ang reenactment ng naturang hostage-taking sa pamamagitan ng 3D animation.

Samantala, nilinaw ng Hong Kong Coroner’s Court na ang sanhi lamang ng pagkamatay ng mga biktima ang tatalakayin at hindi ang civil at criminal liability ng mga sangkot sa hostage-taking. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply