Pamilya ng M’danao massacre victims lulusob sa CA

LULUSOB ngayong araw, Huwebes, Pebrero 3 sa tanggapan ng Court of Appeals (CA) ang mga asawa at magulang ng mga biktima sa karumal-dumal na Maguindanao massacre sa takot na mapalaya ang mga pangunahing suspek sa pagpatay sa 58 katao, kabilang ang 32 mediamen.

Ito ay makaraang makarating sa kaalaman ng mga mga pamilya ng biktima na posibleng katigan ng korte ang inihaing petisyon ni Zaldy Andal Ampatuan para sa implementasyon ng Agra resolution.

Natatakot umano sila na makalaya ang mga pangunahing suspek sa pagpatay sa kanilang mga asawa at anak kahit na nauna nang ibinasura ng korte ang naunang petisyon na inihain ng matandang Ampatuan.

Nasa Maynila ngayon ang walong biyuda ng Maguindano massacre para pangunahan ang kilos-protesta sa harapan ng Court of Appeal.

Ayon kay Myrna  Reblando, asawa ng napaslang na si Alejandro “Bong” Reblando ng Manila Bulletin, nakatangap sila ng impormasyon na kakatigan ng CA ang petisyon ni dating ARMM governor Zaldy Ampatuan para ipatupad ang naunang resolusyon ni dating DOJ acting Secretary Alberto Agra na nagsasabing walang probable cause para idamay sa kaso ang batang Andal  at pinsan nitong si Akmad.

Si Agra ay magugunitang ipinanawagan ng mamamahayag sa pangunguna ni dating National Press Club (NPC) president at ngayon ay presidente ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) Benny Antiporda na magbitiw sa pwesto kaugnay sa nasabing resolusyon.

Ngitngit na ngitngit ang biyuda ni Reblando nang makarating sa kanilang kaalaman ang gagawing pagkatig ng CA sa nasabing petisyon ni Andal. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply