Update: Pamilya sa Rizal minasaker sa ‘V-Day’

DUMANAK ang dugo ng apat na miyembro ng pamilya makaraang imasaker, madaling-araw ng Araw ng mga Puso sa Cainta, Rizal.

Ayon sa panayam ng dzBB kay Cainta, Rizal Mayor Ilgan, kinilala ang pamilyang naliligo sa sariling dugo na sina Amado Asebar, 42, ama ng tahanan; Elizabeth Asebar, 46, maybahay; at mga anak nitong sina Amado, Jr., 14 at Prichie, 10.

Sa inisyal na imbestigasyon, narinig ng mga kapitbahay kagabi ang pag-aaway ng pamilya laban sa umano’y pamangkin na nagngangalang Junjun.

Makaraang marinig ng mga kapitbahay ang “Tama na Jun-jun, tama na”, katahimikan ang sumunod sa naturang bahay.

Nabatid na pasado alas-dose ng hating gabi nangyari ang pag-aaway ngunit natagpuang nakahandusay ang mga bangkay bandang 5:30 na ng umaga

Ayon sa report, malakas ang ebidensiya ng pulisya laban kay Junjun Asebar. Patuloy ang imbestigasyon at paghahanap sa suspek, inaalam din kung may nawalang gamit sa bahay ng mga biktima. Marjorie Dacoro/ Jun Ferer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply