Pamilya Singson emosyonal sa hatol kay Cong. Singson

NAGING emosyonal ang pamilya ni Cong. Ronald Singson makaraang ipataw ng Hong Kong Court ang parusang isang taon at anim na buwang pagkakakulong, Pebrero 24, makaraang aminin ang pagdadala ng cocaine sa Hong Kong.

Naharap sa kasong drug trafficking si Singson matapos makuha sa kanya ang may 6.67 grams ng cocaine noong 2010.

Kahapon ay kinatigan ni Wan Chai District Court Judge Joseph Yao ang alibi ni Singson na para sa “personal consumption” lamang nito ang nahuling cocaine sa kongresman ng mga awtoridad.

Una rito ay naghain ng guilty plea ang kongresista sa kaso ilang buwan matapos mahulihan ng iligal na droga. Iginiit rin niya ang drogang nakuha sa kanya ay intensyong gamitin at hindi para ibenta.

Kasabay ng pag-amin ni Sinagson ay ibinulgar din niya na isang Benjie Leobin ang nagsusuplay sa ng iligal na droga.

Samantala, kasalukuyang kasama ng mambabatas na dumalo sa pagbaba ng hatol ay ang amang si Gov. Luis “Chavit” Singson ng Ilocos Sur, inang si Evelyn, mga kapatid at ang girlfriend na si Lovi Poe. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply