Pamimigay ng condom iginiit

SA KABILA ng mahigpit na pagtutol ng Simbahang Katoliko muling iginiit ng grupong The Library Foundation ang kanilang hakbangin ng pamimigay ng condom sa Araw ng mga Puso upang makaiwas sa sakit na HIV-AIDS.

Ayon kay Anastacio Marasigan, executive director ng The Library Foundation, isang non government organization na ipagpapatuloy nila ang kanilang nasimulan na hakbangin ng pamimigay ng condom ngayon Valentines Day dahil ito ang nararapat at makatuwiran.

Sa isang interbyu sa telebisyon iginiit ni Marasigan na hindi immoral ang paggamit ng condom dahil mayroon o walang condom ay may nakikipagtalik pa rin.

SInabi rin nito na ang paggamit ng condom ay hindi nagpo-promote ng sex lalo na sa mga kabataan. Ang tanging layunin aniya ng kanilang grupo ay kailangan ang condom para sa safe sex.

Kaugnay nito mariing tinututulan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine (CBCP)  ang pamimigay ng condom dahil labag umano sa aral ng Simbahang Katoliko.

Sinabi ni Bishop Dogracias Iniguez na dapat na maintindihan ng mga Katoliko ang tunay na pagpapahayag ng pag-ibig.

Ayon pa kay Iniguez sa Araw ng mga Puso dapat pairalin umano pag-ibig sa mga mag-asawa lamang.

Samantala, namigay din ang grupong Akbayan ng condom kaninang umaga sa publiko para ipagpatuloy ang nasimulan ni dating Health Secterary Esperanza Cabral.

Ayon sa grupo ito ay upang makaiwas sa sakit na HIV-AIDS na maaaring makuha sa pakikipagtalik.Santi Celario

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply