Panaad Stadium ready na sa Azkals vs Mongolia

KUMPLETO na ang ilaw sa Panaad Stadium kung saan idaraos ang Asian Football Confederation Challenge Cup sa Pebrero 9 sa pagitan ng Team Azkals at Mongolia.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) Chairman Monico Puentevella, natapos na ang paglilipat ng ilaw bilang paghahanda sa nalalapit na laban ng Azkals at inaasahang manunuod si President Benigno Aquino III.

Bukas ay susubukan muli ang kanilang performance sa tune-up game laban sa South Korean players ng Central Philippine University ng Iloilo City.

Napag-alaman na umaabot lamang sa 500 lux ang liwanag ng ilaw sa Panaad Stadium at kulang pa ng 300 lux upang maabot ang international standard requirements na 800 lux para sa mas malinaw na TV coverage.

Ayon kay Puentevella, nasubukan na rin ng mga TV stations ang liwanag ng ilaw sa Panaad Stadium at pasado na ito sa kanila ngunit gusto pa rin nitong matiyak na walang maikomento ang organizers.

Ang mga ilaw na inilipat sa Panaad Stadium ay mula sa Paglaum Sports Complex sa lungsod din ng Bacolod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply