Panagbenga Festival sa Baguio nagsimula na

NAGSIMULA Sabado ng umaga, Pebrero 26, ang pagdiriwang ng taunang Panagbenga Festival sa Baguio City na inaasahang dudumugin ng halos isang milyong katao mula sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas at banyagang turista.

Taun-taon ay dinarayo ang magarbong street parades ng mga naggagandahang float na ang disenyo o tema ay gawa sa iba’t-ibang bulaklak na makikita sa Baguio.

Ayon kay Anthony de Leon, executive committee chairman ng Panagbenga 2011, nitong nagdaang linggo pa lamang ay puno na ang mga hotel sa Baguio dahil sa dami ng nagdagsaan para makiisa sa engrandeng selebrasyon.

Sa katunayan, may mga turista na rin ang nagtayo ng kani-kanilang tent sa Burnham Park at doon na rin natulog ang mga ito.

Maaga pa lang ay nakapwesto na ang mga tao sa mga overpass at sa gilid ng mga kalsada para makapanood ng parada na nagsimula 8:00 ng umaga.

Naka-full alert naman ang  Baguio City Police Office at ikinalat ang mahigit sa 2,000 pulis sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod na pinagdadausan ng mga aktibidad upang matiyak ang seguridad ng mga taong lumahok at nakiisa sa pagdiriwang.

Inaasahan na makikiisa ang ilang personalidad gaya nila US ambassador to the Philippines Harry Thomas Jr., House speaker Feliciano Belmonte at Tourism Sec. Alberto Lim. Bineza Zapanta

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply